NUFFNANG

.

Saturday 5 May 2012

What Type of Zombies Filipinos Would Be?

 Lagi nalang nilang sinasabi babangon din si JUAN sa hukay na kinakasadlakan niya. Pano kung bilang isang zombie pala babangon si JUAN??

Kung isang araw biglang magiging ala "zombie land" ang Pilipinas eto ang mga aasahan mong uri ng zombies na makikita mo:

1. Tamad na zombie..
    
  Sila yung dating kaya naman magtrabaho pero piniling manlimos, ayun hanggang sa reanimation nila nakaladlad pa din ang palad at magpapaawa lang para ipakain mo ang sarili mo. Mag aattempt silang alugin ang sasakyan mo pero pag kinatok mo ang binatana mo ok na, aalis na sila. Minsan may dala din silang baby zombies na cute pero ang gusto lang nila ay maawa ka at buksan mo ang bintana.

2. Adik na zombie..

 Walangya, eto yung mga sabog na sabog sa bato bago maging zombies, nakatulala lang to pag nasalubong mo, namumula pa ang mata. Wag mo nalang istorbohin kasi hanggang reanimation eh lutang pa din yang mga yan. Pero mag ingat pag ikaw ang napagbalingan ng mga to naku po, sangkatutak na bala ang kailangan mo para mapatumba sila. Zombie na manhid pa sa pagkahigh, redundant na yun! 

3. Mayayaman na zombie..

  Sila naman yung mga dating nakatira sa mansyon pero minalas na maging zombie. Sa kanilang reanimation madalas silang matagpuan sa Gloryeta, Shang, at Starbucks, kung dudungisan mo sarili mo di ka nila papansinin, lalong di ka nila hahabulin no! Pero siguro susubukan ka nilang offeran ng malaking halaga para ipakain mo sarili mo sa kanila. Choose wisely!!

4.Middle Class na zombie..

  Sila naman yung normal na mamamayang Pilipino, Nako eto hahabulin ka niyan, pero 8hrs lang sila magttry na manghabol tas kanya kanya na munang uwi, kadalasan sila yung nsa LRT (pinakamarami sa EDSA at MONUMENTO station). Wag na wag kang dadaan sa harap nila kung nakabihis Politiko ka dahil di ka nila titigilan. Sisiguraduhin nilang magiging laman tiyan ka nila.

5. Batang hamog na zombie..

  Eto ang isa sa mga delikado na makasalubong mo, mala ninja, eh panu ba naman nung bago maging zombie sila yung tumatalon sa may bakod ng mrt para lang matakbuhan ang kanilang mga pinagnakawan. Itago ang mamahaling jewelries o kahit na anong makinang na bagay or i-lock ng maigi ang sasakyan pag dadaan ka sa may Makati area at Cubao area.

6. Yung mga nakapila sa will time big time araw araw at iba pang game shows Zombie

Lakaran mo lang, wag mo na titigan o pansinin, di ka naman papansinin ng mga yan kasi excited pa din sila makita si Bossing Vic at Willie. Nag aabang pa rin sila kung mabubunot ba sila para mag laro sa Baliktaran or Pinoy Henyo. 

7. Med students na Zombie

Wahahahaha isa pa tong redundant, pano hindi pa man sila nagiging zombie para na silang mga zombies kung kumilos. Lethargic na tong mga to pag nareanimate sila. Sa sobrang puyat kakaaral di na nila inisip kumain kaya ayun hanggang sa pagiging zombie hindi na rin kumakain. Pero wag ka alam na alam nila ang Anatomy mo kaya pag napagtripan kang kainin alam na alam nila ang masasarap na parte mo. DAFUQ

8. Facebook at Twitter Addicts na Zombie

Eto IMBA, iuupdate nila ang twitter accounts nila at facebook accounts nila kung anu na ginagawa nila mapa hinahabol ka, kinakain ka, at kung ano ano pang non-sense. Nakalagay din ang kanilang location at nakacheck - in sa fb nila. Mabilis gumawa ng horde ang mga to kasi isang tweet, tag, at status update lang alam na nila kung saan may potential na makakain. AT PUTAN**** hanggang reanimation nagsesend pa din ng requests sa mga games nila..
    

9. Politiko na Zombie

Mabait sila pag malapit na ang Eleksyon kaya pwede mo silang lapitan at hinding hindi ka nila tatakutin, pero pag tapos na eh ayan bayad ka na ng Tax, kakainin ka na nila.


10. Artista na Zombie

Eto na ang pagkakataon mo! Minsan ka lang habulin ng artista! Sulitin mo na! Iwasan mo lang makagat baka masyado kang matuwa na hinahabol ka ni Anne, Solenn, at Georgina para sa iyong laman yun nga lang LITERAL na LAMAN. Ayun yung napapabalitang bakla na artista lalaki pa din ang appetite. LOL

11. Aktibista na Zombie

Matitibay din mga to, kahit sa initan o sa ulan hahabulin ka niyan, ang malala pa sanay sa tear gas at bala ng baril mga yan. Di matitinag, pursigido at siyempre GUTOM. 

12. NINONG MANNY na Zombie

Shit imba cardio niyan wala kang pag asa! Pero religious person yan kaya baka mapakiusapan mo kung sakaling maging flesh eating zombie siya.

Iilan lang yan sa mga naiisip ko na masasalubong mo pag nagkaroon ng Zombie Apocalypse sa Pinas, sa totoo lang napakarami pang pwede idagdag kaso tatamarin ka na magbasa. Sa totoo lang ngayon pa lang mappredict mo na ang magiging itsura ng bansa natin pag minalas na magkatotoo ang zombie apocalypse na yan. 

                                       img src: webpinoy.blogspot.com

Pero syempre kahit anong trahedya, Zombie Apocalypse would be More Fun in The Philippines! :)

P.S. ang nilalaman ng blog entry na to ay purong pansariling saloobin at katuwaan lang walang balak makasakit ng kapwa.





2 comments:

  1. Ahaha. dami ko tawa dun sa facebook at twitter addict na zombie

    ReplyDelete
  2. totoo naman! haha pashare naman sa iba sir/mam :) ty !

    ReplyDelete