Masarap daw kausap ang mga Pilipino. Totoo naman diba? Daming tambay sa kanto nagkkwentuhan lang, mabilis kumalat ang chismis, halos lahat tayo; mahirap o mayaman ay may cellphone, at maraming nahuhumaling sa chat! Pero minsan may mga "tangnang sagot yan.." or "tangnang text yan.." moments tayo eh.. Eto ang ilan sa iba:
Q:Kumain ka na ba?
A: Busog ako..
Dapak! Nasagot niya ba ang tanung? Nakakain na ba siya kaya siya busog? o hindi pa siya kumain dahil busog pa siya?
Q: (text or tawag) Tol Gising ka ba?
A: T*#$%^ng bata to, hindi ako gising, kaluluwa ko to, tulungan mo ko binabangungot ako!
Bakit mo pa kasi itetext or itatanung kapag ikaw ay tumawag kung gising ba ang iyong kausap?? O gusto mo lang iintro na gagambalain mo siya kaya ka napatanung ng walang kwentang tanong? Tsaka ano ang inaasahang mong sagottt sa ganitong tanung ?!
(Sa isang Restaurant)
Q: Miss, masarap ba tong Sisig niyo?
A: Mam/Sir hindi po, double dead po na karne ang ginamit namin diyan, tapos bulok na po ang gulay niyan at sobrang alat ng pagkakaluto ng aming chef
Gutom ka lang ba talaga, kaya minsan ay naitatanung mo sa waiter or waitress na kumukuha ng order mo kung masarap ang ulam na sineserve nila? Inaasahan mo ba silang magsasabi ng totoo at siraan ang kanilang establishment?
Q: Nasan ka na ba?
A: Teka malapit na ko.
Huluuuuul, malapit daw.. Pero seryosong usapan pag tinanung kayo ng "nasan na kayo?", inaasahan ng kausap niyo kung nasaang lokasyon na kayo, hindi kung gaano kayo kalapit o kalayo sa kanya.
Q: Nasan si Pedro?
A: Nasa puso ko!
G*go ka pag binuksan ko puso mo at wala si Pedro jan... Kasi naman minsan nagmamadali kang malaman kung nasan ang hinahanap mo tapos sasagutin ka ng ganyan. Maiinis ka talaga eh.
Q: Bakit mo natanung?
A: Wala lang :P
BAKIIIIT NGAAAAA?! Pwede bang "wala lang" ni hindi ko nga sure kung valid na answer sa ganitong tanung ang "wala lang". Tinatamad ka ba magpaliwanag o nahihiya ka?!
Q: Tatapusin ko ba ng maayos ang blog entry na to?
A:
No comments:
Post a Comment